Bus hulog sa bangin: 2 dedo

MANILA, Philippines – Dalawa-katao ang namatay habang hindi pa mabatid ang  bilang ng nasugatan makaraang salpukin ng pampasaherong bus ang motorsiklong nakaparada at dalawang bahay sa gilid ng Mercedes Highway bago nahulog sa bangin sa Zamboanga City, Zamboanga del Sur kahapon ng umaga. Sa ulat ni P/Insp. Dahlan Samuddin na isinumite sa Camp Crame, kinilala ang dalawa na sina Amelia Bucoy at Raquel Solis habang ang iba pa ay isinugod sa iba’t ibang ospital. Sinasabing nagkaaberya ang makina ng Rural Transit Bus (JVH-919) na minamaneho ni Rogemio Bambao pagsapit sa nasabing lugar kaya sinalpok nito ang motorsiklo ni Amelia Bucoy at ang dalawang bahay na pag-aari ng pamilya Colonia. Nahulog din ang nasabing bus sa bangin kung saan nakaladkad pa si Solis habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments