Ex-army tinodas ng tandem

MANILA, Philippines – Napatay ang 41-anyos nadating sundalo ng Philippine Army makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa kahabaan ng highway sa Barangay Mandih, bayan ng Sindangan, Zamboanga del Norte kamakalawa ng gabi. Binawian ng buhay habang ginagamot sa Sindangan District Hospital ang biyudong si Aristotle Gallo ng nasabing bayan. Sa police report na isinumite sa Camp Crame, nakatayo ang biktima sa labas ng kanyang bahay nang lapitan at  ratratin ng tandem bandang alas-8 ng gabi. Mabilis namang tumakas ang gunmen habang iniimbestigahan ng pulisya ang naganap na pamamaril.

Show comments