4-anyos ni-rape ng 11-anyos Naglaro ng bahay-bahayan

Nagulantang ang mga magulang ng isang 11-anyos na batang lalaki matapos na masangkot sa umano’y panghahalay sa 4-anyos na batang babae

MANILA, Philippines - Nagulantang ang mga magulang ng isang 11-anyos na batang lalaki matapos na masangkot sa umano’y panghahalay sa 4-anyos na batang babae na kanilang kapitbahay habang nagla­laro ng bahay-bahayan sa Besao, Mt. Province kamakalawa.

Ayon sa report ng Cordillera Police, ang biktimang itinago sa pangalang Giselle ay sinamahan ng kanyang ina sa himpilan ng Besao Municipal Police Station (MPS)-Women and Children’s Desk upang ireklamo ang batang itinago sa pangalang Mark.

Sa murang edad, sinabi ni Giselle na niyaya umano siyang maglaro ni Mark ng bahay-bahayan dakong alas-11 ng tanghali kung saan naganap umano ang pang-aabuso.

Umiiyak na nagsumbong ang biktima sa kanyang ina at itinuro ang batang suspek na may kagagawan ng pagdurugo ng ari nito.

Dahil sa menor-de-edad at hindi pa maaaring makulong, nasa kustodya ng kanyang magulang ang suspek at nakatakdang ipasa sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Show comments