Panaderya grinanada
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Kumpetensiya sa negosyo ang tinitingnang anggulo ng pulisya sa pagpapasabog ng granada sa outlet ng 24-hours Pandesal Bakery sa downtown ng Aparri, Cagayan kamakalawa ng madaling araw. Ayon kay SPO1 Florentino Usita, wasak ang Jemong’s Malungay Pandesal sa tabi mismo ng fastfood chain sa Derivera Street subalit walang nasugatan sa insidente na naganap dakong alas-3: 30 ng madaling araw. Ayon sa service crew na si Angelica Diego, nakasakay sa motorsiklo ang naghagis ng granada mismo sa harapan ng panaderya kung saan sumigaw pa ng “Matay Kayun” (mamamatay na kayo) saka humarurot tumakas. Isang passenger van at dalawang motorsiklong nakaparada ang nawasak dahil sa matinding pagsabog.
- Latest