Driver dinedo ng pasahero

QUEZON, Philippines – Napatay ang isang driver ng pampasaherong jeepney matapos itong ratratin ng dalawang pasahero sa Barangay Canda Ilaya sa bayan ng Lopez, Quezon kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo si Edgar Canillas ng Barangay Paang Bundok sa bayan ng  Calauag habang naglakad palayo ang dalawang gunmen na animo’y walang naganap na krimen. Sa police report, lumilitaw na namamasada ang biktima patungo sa bayan ng Calauag nang lapitan at pagbbarilin ng dalawang pasahero. Sumadsad sa gilid ng highway ang jeepney at mabilis na bumaba ang gunmen saka naglakad patakas. Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

Show comments