7 arestado sa drug bust

BULACAN, Philippines – Pito-katao na sinasabing  drug pusher at adik ang nasakote sa isinigawang operasyon  ng mga operatiba ng pulisya sa magkahiwalay na BarangayTugatog at Brgy. Lawa sa Meycauayan City, Bulacan kamakalawa. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Augusto Pilongo, 60, traffic enforcer; Richard Garcia, 43, ng Fausta Subd. sa Brgy. Abangan Sur, bayan ng Marilao. Naaktuhan naman ang sa pot session ang mga suspek na sina Cyrell Indoma, 34; Chito Indoma, 32; Omar Arcibal, 25; Paul John Luna, 19; mga nakatira sa Brgy. Lawa; at si Michael Dolorito, 37, ng Brgy. Dau­ngan. Base sa ulat ni P/Supt. Lailene Amparo, nasamsam sa mga suspek ang 5-plastic sachet ng shabu, digital weighing scale, mga drug paraphernalia, isang shotgun at mga bala.

 

Show comments