3 patay sa magkakahiwalay na pag-atake sa Cotabato

MANILA, Philippines – Tatlong katao ang nasawi, habang isa ang sugatan matapos ang magkakahiwalay na pag-atake ng armadong kalalakihan sa lungsod ng Cotabato mula kahapon hanggang ngayong Biyernes.

Nakilala ang mga nasawi na sina Kahar Bandola, Tohamie Ayunan at Abu Eiman Macasasa na pawang mga binaril.

Ikinakabahala na ng mga residente ng lungsod ang sunud-sunod na pagkamatay sa kanilang lugar.

Sa nakaraang anim na linggo ay higit 10 katao na ang itinutumba ng armadong kalalakihan.

Samantala, sugatan din si Renato Concha matapos pagbabarilin kahapon sa De Mazenod Avenue, Cotabato City.

 

Show comments