Pulis-Batangas itinumba

BATANGAS, Philippines – Bulagta ang isang bagitong pulis matapos itong barilin habang tumatawag sa cellphone sa bayan ng San Pascual, Batangas kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Senior Supt. Omega Jireh Fidel, Batangas police director ang napatay na si PO3 Pancho Aguilar Jr., naka-assign sa Batangas City PNP. Lumilitaw na nakaupo sa loob ng kotse si PO3 Aguilar nang bigla itong lumabas matapos mag-ring ang kanyang cellphone bandang alas-11:25 ng umaga. Tiniyempuhan naman ng gunman na lapitan at barilin sa mukha ang biktima na naisugod pa sa St. Camillus Hospital subalit ideneklarang patay. Sa inilatag na operasyon ng pulisya, nadakip naman ang suspek na si Joemar Marquez sa inuupahan nitong apartment sa Barangay Poblacion.

Show comments