^

Probinsiya

3 holdaper bulagta sa shootout

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines  – Nagwakas ang modus operandi ng tatlong miyembro ng holdap gang makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa Barangay Langkaan 2, Dasmariñas City, Cavite, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga napatay na sina Rolando “Cobra”  Villena Jr., Ronald “Onad” Salamat at si Jun Muslim, mga nakatira sa  Cityhomes Subdivision sa nasabing barangay.

Base sa ulat  ni P02 Armando Perez, nakatanggap ng impormasyon ang himpilan ng pulisya kaugnay sa tatlong notoryus na holdaper na nagkukuta sa nasabing lugar kaya inilatag ang operasyon.

Tinangkang makipag-ugnayan ng pulisya sa tatlo subalit sinalubong sila ng sunud-sunod na putok ng baril kaya sumiklab ang bakbakan hanggang sa mapatay ang mga holdaper.

Sa police report na isinumite sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, lumilitaw na ang tatlo ay miyembro ng Villena robbery hold-up group at sangkot sa serye ng holdapan sa Cavite at karatig lalawigan.

Narekober sa pinangyarihan ng shootout ang iba’t ibang basyo ng bala, dalawang cal. 38 revolver, isang cal. 45 pistol, shotgun at mga drug paraphernalia.

 

ACIRC

ANG

ARMANDO PEREZ

ATILDE

BARANGAY LANGKAAN

CAMP PANTALEON GARCIA

CAVITE

CITYHOMES SUBDIVISION

IMUS CITY

JUN MUSLIM

VILLENA JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with