Tsinoy trader itinumba

MANILA, Philippines – Patay ang 34-anyos na Tsinoy trader matapos itong  pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa entrance ng Armour Village sa Barangay  San Roque, Zamboanga City sa Zambonga del Sur kamakalawa. Sa police report na isinumite sa Camp Crame, naisugod sa Zamboanga City Medical Center subalit idineklarang patay ang biktimang si Mark Anthony Graciano Tan ng 2nd Navarro Street sa nasabing barangay. Narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng cal. 45 pistol.

Show comments