Lover ni misis inutas ni mister

Police line

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Napatay ang isang lalaki na sinasabing palikero matapos itong pagsasaksakin ng mister kaugnay sa pakikipag-sex sa kanyang misis sa loob ng kanilang bahay sa Purok 1, Brgy. Buraguis sa Legazpi City, Albay kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima sa alyas Joel habang sugatang naisugod sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang katalik nitong si Merly Ramboyong.

Nasakote naman ang 59-anyos na suspek si Domingo Lubiano.

Sa ulat na isinumite sa Camp Simeon Ola, lumilitaw na ang biktima ay pansamantalang tumira sa bahay ng mag-asawa sa pakiusap ng misis sa kanyang mister subalit lingid sa suspek ay magkaulayaw na ang dalawa.

Dahil sa kumakalat na ulat na may ugnayan ang dalawa ay lihim na sinubaybayan ng suspek kung saan naaktuhan naman nakikipag-sex sa kanyang misis ang biktima sa loob mismo ng kanilang kuwarto.

Sa galit ay sunud-sunod na sinaksak hanggang sa mapatay ng suspek ang biktima.

Show comments