5 tiklo sa drug bust

BULACAN, Philippines – Lima-katao kabilang na sinasabing notoryus na drug pusher at adik ang nasakote ng mga operatiba ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Camias, bayan ng San Miguel, Bulacan kahapon ng umaga. Pormal na sinampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek na sina William De Guzman, 48; anak na si Jayson Welman De Guzman, 20; Albert Jean Timoteo, 24; Maximo Timoteo, 24, kapwa nakatira sa Brgy. Pinambaran; at si Edwin Concepcion, 42, ng Brgy. Buliran. Base sa ulat na isinumite kay P/Supt. Nathaniel Villegas, sinalakay ang bahay ng mag-amang De Guzman sa Sitio Magdangal matapos makumpirma na may bentahan ng shabu sa nabanggit na barangay. Naaktuhan sa pot session sa bahay ni De Guzman ang apat na suspek kung saan narekober ang pitong plastic sachet ng shabu, dalawang pakete ng marijuana, digital weighing scale,mga drug paraphernalias, at isang cal.22 revolver.

Show comments