Ina sinaksak ng anak na adik

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Nasa malubhang kalagayan ang 42-anyos na ina matapos itong saksakin ng sariling anak na sinasabing lango sa droga kamakalawa ng gabi sa Purok 1, Barangay 19 sa bayan ng Cabangan, Legazpi City, Albay. Nagtamo ng pitong saksak at ginagamot sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang biktimang si Gloria Del Mundo ng Purok 5 sa Barangay Dapdap habang nasakote naman ang 22-anyos na suspek na si Mark Kevin Del Mundo. Base sa police report na isinumirte sa Camp Simeon Ola, sinundan ng suspek ang kanyang ina sa bahay ng sariling tiyuhin matapos na hindi nadatnan sa kanilang bahay. Gayon pa man, nang makita ng suspek ang ina na kausap ang kanyang tiyuhin ay sunud-sunod na inundayan ng saksak.Nabatid na nagalit ang suspek dahil sa paghingi ng tulong ng kanyang ina sa kanyang tiyuhin para maisalba sa pagka-adik ang binata.

Show comments