Retiradong sundalo, itinumba

NORTH COTABATO, Philippines – Napatay ang 51-anyos na retiradong sundalo ng Phil. Army matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem gunman sa Himulatan Subivision, Purok 3 sa Barangay Lanao, Kidapawan City, North Cotabato kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo ang biktimang  si Eduardo Daniel Paalisbo, tricycle driver at nakatira sa Purok 5 sa nabanggit na barangay. Lumabas sa imbestigasyon na pinarada ng biktima ang kanyang traysikel sa harap ng kanilang bahay para sunduin ang pamangkin nang lapitan ng dalawang di-kilalang lalaki. Nabatid na sumiklab pa ang pagtatalo ang tatlo kung saan tumakbo palayo ang biktima subalit sinundan siya at niratrat. Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon

Show comments