Suspek sa pagpatay sa mag-asawa, tiklo

BALANGA CITY, Bataan, Philippines – Nagwakas ang halos isang taon pagtatago ng panguna­hing suspek sa pagpatay sa mag-asawang trader matapos itong masakote ng mga ope­ratiba ng pulisya sa Barangay Tortugas, Balanga City, Bataan kahapon ng umaga

Isinailalim sa tactical interrogation ang suspek na si Gilbert de Lara, 40, ng M. Delos Reyes Street sa nabanggit na barangay.

Sa tala ng pulisya, si de Lara na itinurong suspek sa pagpatay sa mag-asawang Rolly Cortez, 75; at Flor Cortez, 75, noong Mayo 20, 2014 sa Barangay West Calaguiman, Samal, Bataan ay may nakabinbing warrant of arrest na inisyu ni Judge Philger Noel Inovejas ng Regional Trial Court Branch 2 sa Balanga City.

Maging ang kasambahay ng mag-asawa na si Elizabeth Mirasol na tumatayong pangunahing testigo sa brutal na krimen ay kinidnap at pinatay ng di-kilalang lalaki na pinaniniwalaang si de lara rin ang nasa likod.

Natunton ang pinagkukutaan ng suspek matapos makakuha ng impormasyon sina SPO2 Edgardo Flores at PO3 Luciano Atienza.

Show comments