2 sundalo todas sa ambush

MANILA, Philippines - Dalawang sundalo ang nasawi matapos tamba­ngan ng hinihinalang “hit squad” ng rebeldeng New People’s Army (NPA)  sa San Fernando, Bukidnon kamakalawa.

Kinilala ang mga biktima na sina Pfc Edward Villar at isang tinukoy lamang sa apelyidong Pfc Clarito, pawang miyembro  ng 68th Infantry Battalion ng Philippine Army. Sila ay kapwa nagtamo ng limang tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan na kanilang dagliang ikinamatay.

Sa ulat ng Bukidnon Police, bandang alas-2:10 ng hapon nang maganap ang insidente sa Sitio Bala­kayo, Kalagangan ng nasabing bayan habang nagsasagawa ng security operation ang mga biktima sa nasabing lugar.

Nasorpresa ang dalawang sundalo sa biglang pagsulpot ng mga armadong kalalakihan at saka sila pinababaril.

Nakaligtas sa insidente ang dalawa pang sundalo na kasamahan ng mga biktima matapos silang magkubli habang pinapaulanan ng bala ang mga nasawi.

Show comments