Bunso binoga ni Kuya

MANILA, Philippines - Napaslang ang 40-anyos na binata makaraan itong barilin sa ulo ng sariling kapatid sa gitna ng mainitang pagtatalo sa  basketball court sa Barangay Libertad, Butuan City sa Agusan del Norte kamakalawa. Sabog ang bao ng ulo ng biktimang si Pablo Cagantas Jr. habang pinaghahanap naman ang suspek na si  Frederick Cagantas, 45, may-asawa at nakatira sa Purok 6 B sa nasabing barangay. Sa police report na isinumite sa Camp Crame, lumilitaw na kinompronta ng suspek ang nakababata nitong kapatid kaugnay sa lumang alitan na nauwi sa mainitang pagtatalo. Gayon pa man, nagalit ang suspek sa tinuran ng biktima kaya naganap ang krimen.

 

Show comments