TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinaniniwalaang nairita sa panenermon kaya pinagtataga at malubhang nasugatan ng senglot na anak ang kanyang 53-anyos na ama sa kanilang bahay sa Barangay Villaluz, bayan ng Benito Soliven, Isabela kamakalawa. ?Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang biktimang si Danny Sicat habang nasakote naman ang 27-anyos na suspek na si Nordan Sicat.? Ayon sa imbestigasyon, nairita ang suspek sa panenermon ng ama matapos itong umuwi na senglot dakong alas-8 ng gabi.? Pinasok ng suspek ang ama sa kuwarto saka isinagawa pananaga habang isinugod naman ng mga kaanak ang biktma sa ospital.