Barangay tanod tiklo sa drug bust

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng 27-anyos na barangay tanod na pinaniniwalaang sangkot sa malaking sindikato ng droga matapos itong makuhanan ng 13-plastic sachets ng shabu sa isinagawang drug bust operation ng mga operatiba ng pulisya sa Barangay Calaocan, bayan ng Alicia, Isabela kamakalawa. Ipinag-utos na ni Isabela PNP director P/Senior Supt. Amorsolo Dela Cruz ang malalimang imbestigasyon sa grupong nasa likod ng suspek na si Jalil Macadatu na sinasabing pinagbabagsakan ng shabu sa ikatlong distrito ng Isabela. Naunang ipinalabas ng korte ang search warrant sa drug den ni Macadatu dahil sa sinasabing imbakan ng bawal na droga at mga drug paraphernalia.

Show comments