Ex-kapitan itinumba!

NORTH COTABATO, Philippines – Patay ang dating kapitan ng barangay matapos pagbabarilin sa kahabaan ng Sinsuat Avenue partikular na sa harap ng CCNH-Main sa Cotabato City, Maguindanao kahapon. Kinilala ang biktima na si Anwar Lucas, 52, da­ting kapitan at residente ng RH-10, Cotabato City na lulan pa ng kanyang puting multi cab habang pinagbabaril ng mga ‘di pa nakikilalang suspek. Isang tama sa pisngi ang tinamo ng biktima na itinakbo pa sa pagamutan ngunit idineklarang dead-on-arrival. Inaalam pa pulisya ang motibo sa pagpatay at sa pagkakakilanlan ng mga suspek.

Show comments