2 negosyante nadale ng holdaper

CAMARINES NORTE, Philippines – Dalawang negosynte ang natangayan ng malaking halaga na kanilang collection sa negosyo sa naganap na magkahiwalay na holdapan sa bayan ng Daet, Camarines Norte kamakalawa ng hapon. Si Kulivinder Kaur, 33, ng Lukban Subd. sa Barangay 7 ay hinoldap ng riding-in-tandem gunmen kung saan nilimas ang kanyang collection sa negosyong 5-6. Samantala, si Narinderjit Singh, 41, ay hinoldap din ng riding-in-tandem  sa bahagi ng Happy Homes Greenview Subd. sa Barangay Camambugan. Natangay sa biktima ang P4,000 koleksyon niya sa negosyong 5-6.

Show comments