6 arestado sa drug den

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines  – Anim-katao na sinasabing notoryus drug pusher ang nasakote matapos salakayin ng mga tauhan ng pulisya at Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) sa itinuturing na drug den sa Barangay Dominican-Mirador sa Baguio City noong Sabado. Sa ulat ni Juvenal Azurin, hepe ng Cordillera PDEA, aabot sa 13.8-gramo na shabu, 13-gramo na hashish, ilang drug paraphernalia, tatlong digital weighing scales at mga bala ng cal. 9mm pistol ang nasamsam sa drug den ni Howard Bugarin Lee na sinasabing notoryus na miyembro ng sindikato ng droga sa  Baguio City at Benguet. ? Maliban kay Lee na naaresto ay inaresto rin ang mga suspek na sina Zaldy Del Rio, 44; Jay-Ar Bautista, 26; Al Bartolome, 33; Saldy Fernandez, 29; at si Sarah Joy Nusperos, 21, ng Alapang, La Trinidad, Benguet.?

Show comments