LEGAZPI CITY, ALBAY, Philippines – Dead on the spot ang isang 57- anyos na biyuda makaraang pagbabarilin ng riding in tandem habang naglalakad papauwi sa kanilang bahay, kamakalawa ng umaga sa Burgos St. Barangay Palnab Del Monte, Virac, Catanduanes.
Kinilala ang biktima na si Violeta Tabuzo.
Sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas 9:45 ng umaga habang ang biktima ay naglalakad papauwi sa kanilang bahay galing sa bahay ng kanyang kumare nang tigilan ng mga suspek na sakay sa isang motorsiklo saka walang sabi-sabing pinagbabaril ito.
Mabilis na tumakas ang mga suspect matapos ang isinagawang krimen.
Hindi pa mabatid ng mga awtoridad kung ano ang motibo sa naganap na krimen habang patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ukol dito.