Kuya dinedo ng bunso

For Hillary Clinton, these are high roller stakes in Nevada after losing New Hampshire in a landslide and essentially tying in Iowa. She has decided to stay in Nevada through the caucus on Saturday. CBS News spoke to her at her Las Vegas campaign office.

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Napatay ang 29-anyos na ma­ngingisda matapos itong pagtatagain ng sariling kapatid dahil sa nasirang lambat kamakalawa ng hapon sa Barangay Sto. Niño, Bacon District sa Sorsogon City, Sorsogon. Animo’y karne ng baboy ang katawan ng biktimang si Junie Espisodio habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Samuel Espisodio, 24, may asawa, mangingisda at kapwa nakatira sa sinasabing barangay. Naganap ang krimen sa bahay ng suspek kung saan sumugod ang biktimang lango sa alak at sumiklab ang komprontasyon ng mag-utol. Nabatid na inakusahan ng biktima ang kanyang utol na sumira sa kanyang lambat na ginagamit sa pangingisda. Subalit itinanggi naman ng suspek ang akusasyon ng biktima kaya nauwi sa pananaga.

Show comments