Jeep sumalpok sa poste, 2 patay

MANILA, Philippines – Dalawang katao ang nasawi, habang 12 ang sugatan matapos bumangga ang isang pampasaherong jeep sa poste sa Zamboanga City.

Nakilala ang mga biktima na sina Romualdo Apolinario, 32 at Poul Drick Atilano, 14.

Ayon sa imbestigasyon, binabagtas ng jeep na minamaneho ni John Michael Fabian ang Ma. Clara Lorenzo Lobregat Highway nang masagi nito ang isang motorsiklo kaninang 6:30 ng umaga.

Sa pag-iwas ng jeep ay nawalan ito ng kontrol at sumalpok sa isang poste.

Kaagad naisugod sa magkakaibang ospital ang mga biktima, kabilang ang tsuper ng jeep.
 

Show comments