Kapitan pinagbabaril, kritikal
CAMARINES NORTE, Philippines – Agaw buhay ngayon ang isang 65 anyos na brgy. chairman na tatakbong alkalde matapos itong barilin sa ulo ng hindi nakilalang armadong lalaki sa nabahiran ng dugong piyesta sa Zone 3, Brgy. Tambo, Pamplona, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.
Kasalukuyang nasa malubhang kalagayan sa Intensive Care Unit (ICU) ng Mother Seton Hospital ang biktimang si Domingo “Ingo” Briones matapos na barilin ng hindi pa natukoy na armas na tumama sa kaliwang ulo nito dakong alas-11:20 ng gabi.
Ayon sa imbestigasyon galing sa sayawan sa piyestahan sa lugar ang biktima at pauwi na sa kanilang tahanan ng mangyari ang insidente.
Nabatid na si Briones ay dating ex-officio member ng Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Sur at binabalak nitong tumakbong alkalde sa bayan ng Pamplona sa darating na 2016 election.
- Latest