3 arestado sa pot session

STAR/File photo

BULACAN, Philippines - Arestado ang tatlo-katao matapos itong maaktuhan sa pot session sa Barangay Taal, bayan ng Bocaue, Bulacan kahapon ng umaga. Pormal na kakasuhan ang mga suspek na sina Efren Castillo, 47; Cesar Marcos, 41; at si Jomarie Andres, 31, mga residente sa nasabing barangay. Sa ulat na isinumite kay P/Supt. Ganaban Ali, ang tatlo ay naaktuhang sumisinghot ng shabu sa bahay ng alyas Efren. Nakarekober sa mga suspek ang anim na plastic sachets ng shabu na may street value na P.175-milyon.

Show comments