Cop’s killer isinilid sa drum

CAVITE, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng ‘di-kilalang lalaki na sinasabing cop’s killer matapos itong pagbabarilin ay isinilid pa sa drum saka inabandona sa kahabaan ng Sta. Lucia Road sa Barangay Salawag, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa. Kasalukuyang bineberipika ang pagkakakilanlan sa biktimang may edad na 33 hanggang 38 kung saan may taas na 5’4 hanggang 5’6 talampakan at nakamaong pants at black and white stripes t-shirt. Bandang alas-5:30 ng umaga nang matagpuan ng mga barangay tanod ang bangkay sa plastic drum sa nasabing lugar. Nakabalot pa sa plastic garbage bag ang katawan ng biktima, tadtad ito ng tama ng bala sa katawan. Narekober sa katawan ng biktima ang placard na may nakasulat – ‘Wag n’yo ko tularan pumapatay ako ng police. Nakuha rin ang dalawang empty plastic sachets ng shabu, drug paraphernalias, at apat na basyo ng bala ang cal. 45 pistol.

Show comments