4-anyos nilaro ang baril, patay

STAR/File photo  

CAGAYAN DE ORO, Philippines – Bulagta ang 4-anyos na bata makaraang mabaril ang sarili dahil sa pinaglaruang baril ng kanyang tiyuhin sa Sitio Batiray, Cagayan de Oro City kamakalawa. Sa police report na isinumite kay P/Senior Inspector Allan Curato, nabatid na kinuha ng biktima ang baril ng kanyang tiyuhin saka pinaglaruan sa harap ng kanyang kalaro. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakalabit ng biktima ang gatilyo ng baril saka ito tinamaan sa tiyan. Naisugod pa sa ospital ang biktima subalit namatay habang ginagamot. Sinabi naman ng ama ng bata na si Michael Labadan, hindi niya nakita ang anak na may hawak na baril dahil abala siya sa paglilinis ng kanilang bahay. Posibleng maharap sa kaukulang kaso ang may-ari ng baril na hindi nito inilagay sa tamang lugar. ABS-CBN News Service

Show comments