Brgy. kagawad dedo sa ambush

MANILA, Philippines - Napaslang ang 27-anyos na barangay kagawad matapos itong tambangan ng hindi kilalang lalaki sa Purok Santan, Barangay Cogon sa bayan ng Vincenzo Sagun, Zamboanga del Sur kamakalawa. Kinilala ang napatay na si Kagawad Sanelyn Digol ng Purok Orchids sa nasabing barangay. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pananambang habang nagmomotorsiklo ang biktimang pauwi mula sa bayan ng Margosatubig. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal.45 pistol.

Show comments