P5M halaga ng shabu nasabat sa isang drug courier

MANILA, Philippines – Tinatayang nasa P5 milyon ang halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang pinaghihinalaang drug courier sa Cagayan.

Nakilala ng suspek na si Francisco Torres, 28, na residente ng Gonzaga, Cagayan.

Nasakote ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) si Torres nitong kamakalawa sa isang bus terminal sa Barangay Libertad, Abulug, Cagayan.

Mula ng Maynila si Torres nang madakip ng mga awtoridad.

Nasa isang kilo ang nakuhang shabu sa suspek na nakabalot sa isang plasic bag.

Nahaharap sa kasong paglabag ng Section 5 (Transportation of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa piskal ng Cagayan.

Show comments