Mister inaway ng misis, nagbigti

NORTH COTABATO, Philippines - Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 26-anyos na mister na inaway ng kanyang misis matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa Purok Paraiso, Barangay Cannery Site sa bayan ng Polomolok, South Cotabato kamakalawa. Ayon sa Polomolok PNP, nadatnan na lamang ni Marry Sweet Respecio ang kanyang mister na si Ferdinand Rosalejos Dulay na nakabitin sa kanilang bahay. Lumabas sa imbestigasyon na may pinag-awayan ang mag-asawa kaya umalis ng kanilang bahay ang biktima ng dalawang araw. Umalis din si Respecio kasama ang mga anak nito patungong Barangay Klinan 6 kung saan ito nagdiwang ng kanyang kaarawan. Nang bumalik ang mag-iina ay inabutan nito ang kanyang mister na nakabitin.

Show comments