Babaeng trader nilikida

BULACAN, Philippines – Napaslang ang 57-anyos na babaeng trader matapos itong ratratin ng dalawang di-kilalang lalaki sa loob ng kanyang tindahan sa Barangay Matictic, bayan ng Norzagaray, Bulacan kamakalawa ng gabi. Naisugod naman sa Norzagaray Municipal Hospital subalit hindi na umabot ng buhay si Leonila Tolentino habang sugatan naman ang kanyang ka-live-in na si Juanito Frias, 53, mga residente sa Sitio Gulod sa nasabing barangay. Sa imbestigasyon ni PO3 Dwight Danao, nagkunwaring bibili ng sigarilyo sa tindahan ng biktima ang gunmen kung saan isinagawa ang pamamaslang. Pinalo naman sa mukha ang mister ng biktima na si Frias subalit nakatakbo palayo sa crime scene.

Show comments