Ex-chairman dinukot, inutas

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng dating barangay chairman na sinasabing nagbibigay ng impormasyon sa mga awtoridad laban sa mga rebelde matapos itong dukutin ay pinagbabaril ng mga di-kilalang kalalakihan sa Barangay B. Titong, Masbate City, Masbate kamakalawa ng gabi. Sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-9 ng gabi habang ang biktimang si Salvador Cabug ay nanonood ng telebisyon kasama ang kanyang asawa’t mga anak. Pagpasok ng mga armadong lalaki ay kinaladkad na ang biktima palabas ng bahay saka dinala sa liblib na bahagi at pinagtulungang ratratin hanggang sa mapatay. Pinaniniwalaang inakusahan ang biktima na tiktik ng militar at PNP kaya pinatahimik.

Show comments