Driver sinibak sa trabaho, nagbigti

AP

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines – Dinamdam ng 34-anyos na driver ang pagkakasibak nito sa trabaho sa hindi nabatid na dahilan matapos itong magbigti sa likuran ng kanilang bahay sa Barangay Calanan, Tabuk City, Kalinga kamakalawa. Ayon sa mga kaanak ng biktima, kalimitang nakatingin sa malayo at may bakas sa mukha ng kalungkutan ang biktimang si Samson Duguiang matapos itong masibak sa trabaho sa isang construction company sa Batangas. Hindi naman inakala ng mga kaanak na wawakasan ng biktima ang buhay dahil sa walang kibong nagtungo sa likuran ng kanilang bahay at isagawa ang pagpapakamatay sa puno ng mangga.

Show comments