^

Probinsiya

5 bulagta sa nag-amok na mag-aama

Raymund Catindig at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Lima-katao na nakipaglibing sa kanilang lola ang napatay habang apat naman ang nakiki­pagbuno kay kamatayan matapos ratratin ng mag-aamang senglot na nag-amok sa Barangay Capas, bayan ng Agoo, La Union kamakalawa ng gabi.?

Sa ulat na nakarating kay La Union PNP director P/Senior Supt. Ramon Rafael, naisugod sa La Union Medical Center su­balit idineklarang patay sina Gilbert Cecilio, 41; Gil Cabilitazan, 58; Reynaldo Refuerzo, 30;  at ang 3-anyos na si Mary Anne Refuerzo na pawang nakatira sa Taguig City, Metro Manila.

Namatay naman kahapon ng tanghali habang ginagamot sa ospital ang 30-anyos na si Zosimo Fontanilla habang kritikal naman sina Gilmar Cabilitazan, 28; Rodel Refuerzo, 34; at si Benjie Tabunia, 35, mga nakatira sa nasabi ring lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon na magkasamang nag-iinuman ng alak sa kalye ang mga suspek na sina Noel Gayo, Oscar Gayo, Ferdinand Gayo at ang ama nilang si Demetrio Gayo matapos na makipag­libing sa kanilang lola.

Gayon pa man, nang malasing ay naghamon na ang mga suspek sa grupo ng mga biktima na nag- iinuman din sa ibang mesa sa kalsada. ?

Ayon sa police report, hindi pa nasiyahan ang mag-aama at pinagbabaril ang mga biktima at ilang residente na kanilang ma­daanan sa pagwawala. ?

Agad na rumesponde ang mga operatiba ng pulis­ya kaya nadakip ang isa sa mga suspek na si Ferdinand Gayo habang pinaghaha­nap naman ang iba pang suspek na nagsipagtakas patungo sa kabundukan.

Pinaniniwalaang alitan sa lupaing naiwan ng matanda ang isa sa motibo kaya naganap ang krimen.

BARANGAY CAPAS

BENJIE TABUNIA

DEMETRIO GAYO

FERDINAND GAYO

GIL CABILITAZAN

GILBERT CECILIO

GILMAR CABILITAZAN

LA UNION

LA UNION MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with