Misis inutas ng selosong mister

MANILA, Philippines - Binaril at napatay ang isang misis ng kanyang selosong mister makaraan ang mainitang pagtatalo sa loob ng kanilang bahay sa Kaumpurnah 2, Isabela City, Basilan kahapon ng madaling araw. Sa ulat ng Isabela City Police, kinilala ang biktima na si Nawada Onggo na nagtamo ng tama ng bala ng cal.45 pistol. Nahaharap naman sa kasong parricide ang suspek na si  Sakib Mabisa na mabilis na tumakas matapos ang krimen. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang magtalo ang mag-asawa dahil sa pagseselos ng suspek sa kaniyang misis na sinasabing nagpapa-charming sa ibang lalaki at lagi umanong nakapustura sa tuwing aalis ng bahay. Sa gitna ng mainitang pagtatalo ay nagawang barilin at mapatay ng suspek ang kanyang misis.

Show comments