Kinalasan ng syota, nag-suicide

CAVITE, Philippines – Pinaniniwalaang dinamdam ng 40-anyos na lalaki ang pakikipagkalas ng kanyang syota matapos nitong gilitan ang sarili sa kanilang bahay sa Barangay Batong Dalig sa bayan ng Kawit, Cavite kamakalawa ng gabi. Dakong alas-6:30 ng gabi nang matagpuan ang duguang katawan ni Allan Llaneta ng Sitio Bukid sa nasabing barangay. Ayon sa nanay na si Teofila Llaneta, may dalawang pagkakataong ginawa ng biktima ang pagpapakamatay subalit napipigilan ito. Nabatid na naging balisa ang biktima matapos itong iwanan ng kanyang syota may ilang buwan na ang nakalipas.

Show comments