Babae sinilaban ang sarili

MANILA, Philippines - Lumuwa ang bituka at halos hindi na makilala ang 24-anyos na babae makaraang  silaban ang sarili at kanyang bahay sa  Purok 4, Tacurong City, Sultan Kudarat kamakalawa.

Sa phone interview, kinilala ni Tacurong City Police Direcor P/Supt. Junie Buenacosa ang biktima na si Paige Kyla Morales.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Buenacosa  na dakong alas-10:51 ng umaga ng mangyari ang insidente sa 2-storey na lumang bahay ng pamilya Morales sa General Luna Street sa nasabing lungsod.

Nabatid na nag-away ang biktima at ang naka­babata nitong kapatid dahil sa hindi binanggit na dahilan.

Gayon pa man, nagku­long sa kaniyang silid ang biktima sa ikalawang palapag kung saan sinilaban nito ang kurtina kaya mabilis na kumalat ang apoy sa buong kabahayan.

Sa pahayag ng pamil­ya ng biktima, sa tuwing magagalit ang biktima ay sinusunog ang kaniyang mga damit na ilang beses na nitong nagawa at naagapan lamang.

Nabigo namang mai­salba ang buhay ng biktima na na-trap sa nasusunog nitong silid dahil masyado ng malaki ang apoy sa buong kabahayan.

Tinatayang aabot sa P.6 milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy.

Show comments