Bading ninakawan, inutas ng lover

File photo

BULACAN, Philippines – Napatay ang 60-anyos na biyudo na sinasabing bading matapos itong tadtarin ng saksak ng kanyang lover sa Barangay Bagbaguin, bayan ng Pandi, Bulacan kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Fedelino Fabros, ex-OFW sa America at nakatira sa nasabing barangay.

Samantala, sa follow-up operation ng pulisya, nasakote naman ang panguna­hing suspek na si Reggie Gatuz, 23, ng Tuguegarao, Cagayan.

Sa ulat na nakarating kay P/Chief Insp. Victor Bernabe, bandang alas-9 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa kanyang bahay matapos bumisita ang dalawang kapitbahay na sina Robert Munsayac at Marilou Gatuz kung saan kaagad naman ipinaabot sa himpilan ng pulisya.

Nawawala ang P17.6-milyong halaga ng mga alahas at malaking halaga na sinasabing naipon ng biktima sa pagtatrabaho sa ibang bansa.

Narekober ang cellphone ng biktima kung saan nakasaad ang text message ng suspek na hu­mihingi ng tawad.

Show comments