Magkalaguyo inutas ng tandem

NORTH COTABATO, Philippines – Magkasunod na sinalubong ni kamatayan ang magkalaguyo matapos itong ratratin ng motorcycle-riding assassins sa bisinidad ng Mantawil Extension, Barangay Poblacion sa bayan ng Kabacan, North Cotabato kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Chief Insp. Ernor Melgarejo, hepe ng Kabacan PNP ang mga biktima na sina Rey Dacula ng Brgy. Nangaan, Kabacan at Daisy Guerrero ng Bonifacio Street sa Barangay Poblacion sa nasabing bayan. Sa imbestigasyon ng Kabacan PNP, pauwi na ang mag-lover lulan ng motorsiklo nang sabayan at ratratin ng tandem pagsapit sa nasabing lugar. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

Show comments