Pulis bulagta sa ambush

MANILA, Philippines – Patay ang isang pulis matapos pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen kung saan sugatan din ang isang sibilyan sa naganap na ambush sa  Imus City, Cavite kahapon ng umaga. Kinilala ni Cavite Provincial Police Office Director P/Senior Supt. Jonel Estomo ang biktima na si PO3 Renato Ameng ng Cavite Police Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU). Isinugod naman sa pagamutan ang biktimang si Gemma Cruz na tinamaan ng  ligaw na bala. Base sa police report na isinumite sa Camp Crame, dakong alas -8:20 ng umaga nang tambangan ang biktima pagsapit sa panulukan ng Barangay Paliko at General Aguinaldo Highway sa nasabing lungsod. Nabatid na nagsasagawa ng surveillance operation sa lugar si Ameng lulan ng kotse nang biglang ratratin ng riding-in-tandem assassins. Bagaman naisugod pa sa Imus Medical Center ay namatay din ang biktima.

Show comments