Kabaong ng ama iniuwi ng anak

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines  - Pinaniniwalaang may naligalig ang kaisipan ng isang anak na lalaki na lumikha ng kilabot sa taumbayan matapos nitong buksan ang nitso ng kanyang amang namatay dalawang taon na ang nakakalipas saka hinila sa kalsada ang kabaong nito sa Barangay Maura, Aparri, Cagayan kamakalawa. ?

Ayon kay P/Chief Insp. Mina Domingo, hepe ng Apar­ri PNP,  binuksan ni Arcadio Gammag Jr. ang nitso ng ama at kinaladkad ito sa highway patungo sa kanilang lugar sa Sitio Santo Tomas dakong alas-5 ng hapon.?

Ayon sa mga kapitbahay,  naliligalig si Gammag sa inakalang relokasyon ng pampublikong sementeryo bunsod nang nangyari malawakang flashflood noong 2014 sa bayan na nag-ugat sa mga nakaraang taong paghuhukay ng black sand sa kanilang umuurong na dalampasigan.?

Gayon pa man, nakum­binsi ng pulisya si Gammag na ibalik sa nitso ang yumaong ama dagdag ni P/Chief Insp. Domingo. ?

Samantala, itinanggi naman ni Aparri Vice Mayor Rommel Alameda na mayroong balak ang lokal na pamahalaan na isailalim sa relokasyon ang kanilang sementeryo.

Show comments