4 utas sa ambush

File photo

BULACAN, Philippines  - Apat na kawani ng constuction company ang napatay matapos tambangan ng tatlong kalalakihang nakamotorsiklo sa Barangay Bitungol, bayan ng Norzagaray, Bulacan kamakalawa ng madaling araw. Kabilang sa mga napatay ay sina Emmanuel Villareal, 41, foreman, ng Area C, Sapang Palay; Primo Regalado, 56, foreman; Daniel Cunanan, 39, welder; at si Ron Jordan, 16, helper, mga residente sa Brgy. San Martin 3, San Jose Del Monte City, Bulacan. Nakaligtas naman sa kamatayan ang 6-anyos na anak ni Villareal. Ayon kay PO3 Dwight Danao, magkakasamang pauwi ang mga biktimang lulan ng Nissan Sentra (PSD-778) mula sa construction site sa Northfill, Brgy. Bitungol  nang pagbabarilin ng gunmen pagsapit sa madilim na bahagi ng Sitio Matandang Barrio. Narekober sa crime scene ang pitong basyo ng bala ng cal. 22 revolver habang patuloy ang pagsisiyasat.

 

Show comments