Kobrador ng pasugalan, nilikida

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Bulagta ang 39-anyos na kolektor ng illegal na sugal matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang lalaki habang kumukubra ng perang pantaya sa Barangay Lajong, bayan ng Matnog, Sorsogon kahapon ng umaga. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Reynold Gabad ng nasabing barangay. Nabatid na patungong simbahan ang biktima upang mangolekta ng pera sa kanyang mga suki sa sugal nang lapitan at barilin bandang alas-8:20 ng umaga. Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ang cal. 45 pistol habang patuloy ang imbestigasyon.

Show comments