Buntis namagitan sa away, dedo

CAVITE, Philippines – Napaslang ang 27-anyos na buntis makaraang barilin nang nakaaway ng kanyang mister sa kanilang bahay sa Barangay Langkaan, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng hapon. Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Meriden Pearl Enriquez ng Block 62 Lot 5 Cityhomes Subd. habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Abraham Orpelia. Base sa police report, kinompronta ng suspek ang mister ng biktima sa loob ng kanilang bahay kung saan umawat naman ang misis. Gayon pa man, nagalit ang suspek kaya binoga ang biktima kung saan nadamay ang nasa sinapupunan nito.

Show comments