Merchandizer inutas ng kainuman

Philstar.com/File

QUEZON, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 54-anyos na matandang lalaki matapos itong gilitan ay pinagsasaksak pa ng dalawa nitong kainuman sa Sitio Pulong Niyugan, Barangay Castillo sa bayan ng Pagbilao, Quezon kamakalawa ng hapon. Ayon sa ulat, nadiskubre ng mga kapitbahay ang duguang katawan ni Ruden Perez na nakahandusay sa loob ng bahay nito. Sa imbestigasyon ng pulisya, huling namataang buhay ang biktima na nakikipag-inuman sa dalawang lalaki na nakilala sa bayan ng Subic Zambales noong Enero 31. Pinaniniwalaang pinatahimik ang biktima dahil sa pagi­ging private merchandizer nito sa nasabing bayan.

 

Show comments