3 utas sa road mishap

3 utas sa road mishap

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Tatlo katao ang nagkagutay-gutay ang ka­tawan  makaraang suwagin ng trailer truck ang kasalubong nitong motorsiklo sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Darapidad, Aritao ng lalawigang ito kamakalawa.

Kinilala ni Sr. Supt. John Luglug, Director ng Nueva Vizcaya Police ang mga nasawing biktima na sina Romar Gapasin, 20, Jaycer Bucad, 20; pawang residente ng Brgy. Darapidad at Mark Erwin Gabot, 21, ng Brgy. Comon, Aritao.

Sa isinagawang imbestigasyon ng PNP-Aritao, tinangka ng motorsiklo na mag-overtake sa sinusundang sasakyan kaya hindi napansin ang kasalubong nitong Isuzu trailer truck (PSA 7930) na minamaneho ni Webster Castro.

Sa lakas ng  pagkaka­bangga ay nakaladkad pa umano ang mga biktima ng ilang metro matapos pumailalim sa truck kung kaya’t nagkagutay-gutay ang kanilang mga katawan na agad nilang ikinamatay. Boluntaryo namang sumuko sa himpilan ng pulisya ang driver ng truck.

Show comments