2 anak dinedo ng nanay

NORTH COTABATO, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-utol na bata matapos gilitan at sakalin ng sariling ina sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Hipgos, bayan ng Lambunao, Iloilo kamakalawa.

Ayon kay Renante Lasanas, ama ng mag-utol, ikinagulat na lang nito na naliligo sa sariling dugo ang kanyang mga anak nang datnan sa kanilang bahay.

Ang walong-taong gulang na anak na babae at Grade 2 pupil ay may ginilitan habang sinakal naman ng ina ang lalaking anak na nasa kinder pa lamang.

Ang asawa naman ni Renante ay nakahandusay din at may sugat sa leeg matapos magtangkang magpakamatay.

Narekober sa crime scene ang matalim na karit na pinaniniwalaang ginamit ng ina sa pagpatay sa kanyang mga anak.

Nagtangka naman magpakamatay ng ina subalit naisugod kaagad sa ospital.

Ayon sa mister, maa­yos naman ang kanilang relas­yon na mag-asawa sa kabila nang pagkakaroon nito ng nervous breakdown.

Pinaniniwalaang hindi alam ng nanay ang kaniyang ginawa sa dalawang anak dahil inatake ito ng matinding sakit.

Show comments