Hall of Justice nasunog: 3 nawawala
MANILA, Philippines - Tatlo-katao kabilang ang nawawala habang aabot naman sa P28 milyong halaga ng ari-arian ang naabo matapos masunog ang Hall of Justice sa Cagayan de Oro City, ayon sa ulat kahapon.
Sa report ng Cagayan de Oro City Fire Marshal, limang oras ang itinagal ng sunog sa 2-storey na gusali mula alas-9:35 ng gabi noong Biyernes at naapula bandang alas-2:30 ng madaling araw.
Kabilang sa mga nawawala ay ang security guard na si Benjamin Buna, court employee na si Jeffrey Uban at isa pang utility worker.
Base sa pahayag ng mga arson investigator ng security guard na si Salon Sabuero, nagsimula ang sunog sa kisame ng Branch 20 at 21 ng Hall of Justice.
Mabilis na kumalat ang apoy at tumupok sa Hall of Justice na kinaroroonan ng 28 korte, City Prosecutors Office, Misamis Oriental Provincial Prosecutors Office kung saan maraming mga ebidensya tulad ng mga eksplosibo ang nakatago.
Nabatid na ang mga malalakas na pagsabog sa nasabing gusali habang nilalamon ito ng apoy ay sanhi ng mga bomba at bala na nakatago sa evidence rooms ng korte kaya hindi kaagad nakapasok ang mga bombero.
Kabilang naman sa nakatagong mga ebidensya dito ay ang pananambang sa convoy ni Iligan City Rep. Vicente Belmonte habang napatay naman ang tatlong iba pa kabilang ang kaniyang driver at security escort noong Disyembre 2014. Joy Cantos at Rhoderick Beñez
- Latest